Linggo, Disyembre 13, 2015

Pangarap na Kalayaan

Bagay na ating dapat pahalagahan
Ito ay ang ating kalayaan
Kaya dapat natin tandaan
Ito ay bahagi ng ating karapatan

Alam natin na maraming beses tayo naapi
Sa isip natin na dapat tayo'y maghiganti
Ito ay dahil sa ating pagtanim ng galit
At nais natin humingi ng kapalit

Sa dulo hindi dahas ang sagot
Ito lang ay nagbibigay ng takot
Sa ating pagkamit ng kalayaan
Pwede natin gamitin ang kapayapaan



Sabado, Disyembre 12, 2015

"Ang madahas na paghihimagsik ay hindi sagot para makamit ang kapayapaan"

Ang madahas na paghihimagsik ay hindi laging solusyon upang makamit natin ang nais natin na kapayapaan. Huwag na natin dagdagan ang ating gulo. Ang akala ni Simoun sa kwento ay maititigil na niya ang pangaapi kung sila ay makikipaglaban ng marahas. Ngunit sa pagdating sa huli ng kwento napagtantuan niya na hindi lagi dugo ang sagot. Dapat ginagamitan ito ng isip at makakamit rin natin ang kalayaan sa tamang paraan at sa tamang panahon. Ang pagaaway ay madadagdagan lang ng gulo at mabibigyan lang tayo ng problema.

Biyernes, Disyembre 11, 2015

Ang El Filibusterismo


Pang-aapi sa Pamayanan


http://ocw.mit.edu/ans7870/21f/21f.027/photography_and_power/gallery/pages/1899_5-1-w-013_46_be_168d44.htm

Ang editoryal na ito ay may kaugnayan sa buhay ng mga tauhan sa kwento ng El Filibusterismo. Ang Pilipinas ay lumaban sa kagipitan ng pang-aapi upang lumaban at protektahan ang kanilang mga karapatan bilang tao. Sa pakikipaglaban para sa kanilang mga karapatan may naging kapalit, at ito ay ang sakripisyo ng buhay ng maraming mga sundalo upang makamit ang ating kalayaan ng bansa. Bilang kapalit napilitan ang Pilipinas na mamuhay sa isang buhay ng kapighatian sa pamamagitan ng pang-aapi ng ating dayuhan.


Makikita natin na ang ganitong pamamaraan ng pamumuhay ay matatagpuan sa kwento ng El Filibusterismo kung saan ang tauhan ay napilitan na mamuhay sa ilalim ng pangaapi ng mga kastila at mga prayle. Makikita rin natin na kung saan ang tao ay napilitan magsakripisyo upang makuha nila muli ang karapatan at kalayaan na naagaw sa kanila.


Huwebes, Disyembre 10, 2015

"Walang mang aalipin kung walang paaalipin"

Walang mang aalipin kung walang paaalipin. Itong kasabihan na ito na makikita sa libro ay nagsasabi na tayo ay magpakita ng katibayan. Kung tayo ay hindi magpapakita na mahina, hindi tayo maaapi. Sa katotohanan masarap apihin ang mga mahihina. Kaya tayo dapat ay maging matibay, matalino, at malakas. Walang aapi satin kapag ito ang kanilang nakikita.

Ang Taong Nagigipit sa Patalim Kumakapit

Ang taong nagigipit sa patalim kumakapit

Kahulugan: Ang taong nagigipit sa buhay ay nagiging handang gawin ang lahat upang makuha ang kaniyang gusto at pangngailangan.


Sa buong El Filibusterismo ay nakita namin ang determinasyon ni Simoun para makamit niya ang kanyang paghihiganti. Dinala niya sa panganib ng walang konsensya ang ibang tao para sa kanyang plano. Nawala sa kanya ang kanyang identidad (Ibarra) para pwede siyang magplano nang ligtas at tahimik. Ginusto niyang magpasabog ng isang kasal para lang mawala ang mga tao na gumawa ng masama sa kanya. Pinatay rin niya ang kaniyang sarili dahil sa kanyang gusto na mawala ang lahat ng mga masama sa mundo, at ang masama rin na nasa kanya.

Si Huli rin ay kumapit sa patalim para sa kanyang pangangailangan. Para mapiyansahan ang kanyang mahal sa buhay na si Basilio Handa siyang magsakripisyo na humantong sa masamang gawain dahil kay Padre Camorra.

Katulad ni Huli, si Isagani ay handang ibigay ang lahat para sa pag-ibig. Nang malaman niya na nasa panganib si Paulita, tumalon siya kasama ng lampara para mailigtas niya ang buhay ng kanyang mahal.

Ang isa pang tauhan na nagsakripisyo ay si Kabesang Tales. Nawala niya ang kanyang asawa at anak para mahukay niya ang kanyang lupa. Nawala sa kanya ang kanyang pera para lang makabayad siya ng buwis para sa lupa. Nang nawala sa kanya ang kanyang lupa, siya ay naging isang tulisan at napatay niya ang bagong may-ari ng kanyang lupa.

Natutunan natin sa El Filibusterismo na ang mga tao ay gumagawa ng anumang bagay para sa kanilang gusto. Hindi ito laging nakabubuti ngunit ito ay nagpapakita ng determinasyon at katangian ng isang tao.

Miyerkules, Disyembre 9, 2015

Simoun


  • Ang dating Ibarra noong Noli Me Tangere. Nagpalit siya ng kaniyang identidad upang makapagsimula  muli bilang matagumpay na magaalahas. Si Simoun ngayon ay makikilala natin bilang isang taong mapaghiganti at puno ng poot at galit. Ang kaniyang naisip ngayon ay ang paghigantihan ang taong nakasakit sa kanya lalo na ang prayle. Marami ang nawala sa kaniya, ang kanyang mga mahal sa buhay, dignidad, at ang kanyang karangalan. Ngayon nagbabalik siya para ibaglaban ang kaniyang bayan at ibalik ang kanyang karangalan.