Huwebes, Disyembre 10, 2015

Ang Taong Nagigipit sa Patalim Kumakapit

Ang taong nagigipit sa patalim kumakapit

Kahulugan: Ang taong nagigipit sa buhay ay nagiging handang gawin ang lahat upang makuha ang kaniyang gusto at pangngailangan.


Sa buong El Filibusterismo ay nakita namin ang determinasyon ni Simoun para makamit niya ang kanyang paghihiganti. Dinala niya sa panganib ng walang konsensya ang ibang tao para sa kanyang plano. Nawala sa kanya ang kanyang identidad (Ibarra) para pwede siyang magplano nang ligtas at tahimik. Ginusto niyang magpasabog ng isang kasal para lang mawala ang mga tao na gumawa ng masama sa kanya. Pinatay rin niya ang kaniyang sarili dahil sa kanyang gusto na mawala ang lahat ng mga masama sa mundo, at ang masama rin na nasa kanya.

Si Huli rin ay kumapit sa patalim para sa kanyang pangangailangan. Para mapiyansahan ang kanyang mahal sa buhay na si Basilio Handa siyang magsakripisyo na humantong sa masamang gawain dahil kay Padre Camorra.

Katulad ni Huli, si Isagani ay handang ibigay ang lahat para sa pag-ibig. Nang malaman niya na nasa panganib si Paulita, tumalon siya kasama ng lampara para mailigtas niya ang buhay ng kanyang mahal.

Ang isa pang tauhan na nagsakripisyo ay si Kabesang Tales. Nawala niya ang kanyang asawa at anak para mahukay niya ang kanyang lupa. Nawala sa kanya ang kanyang pera para lang makabayad siya ng buwis para sa lupa. Nang nawala sa kanya ang kanyang lupa, siya ay naging isang tulisan at napatay niya ang bagong may-ari ng kanyang lupa.

Natutunan natin sa El Filibusterismo na ang mga tao ay gumagawa ng anumang bagay para sa kanilang gusto. Hindi ito laging nakabubuti ngunit ito ay nagpapakita ng determinasyon at katangian ng isang tao.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento